Nagdulot ang pandemya ng matinding pagkagambala sa pandaigdigang ekonomiya, kabilang dito ang pinakamalaking pandaigdigang resesyon mula noong Matinding Depresyon.
Nagpunyagi rin ang mga mararaming lugar para pataasin ang kapasidad ng pagsusuri at matunton ang mga kontak ng mga nahawaang tao. Tumugon ang mga awtoridad sa buong mundo sa pamamagitan ng pagtupad ng paghihigpit sa paglalakbay, mga lockdown, pagkontrol ng panganib sa mga pinagtatrabahuan, at pagsasara ng mga pasilidad. Kabilang sa mga inirerekomendang hakbang sa pag-iwas sa sakit ang paghuhugas ng kamay, pagtakip sa bibig habang umuubo, pagpapanatili ng distansya sa ibang tao (partikular sa mga taong may sakit), pagsuot ng peysmask sa mga pampublikong lugar, at pagsubaybay at pagbubukod ng araw para sa mga taong pinaghihinalaang na nahawaan sila. Nakatuon ang pangunahing paggamot sa pamamahala ng sintomas at mapagsuportang terapewtika (o ang pag-ibsan ng paghirap ng pasyente). Kasalukuyang walang bakuna o partikular na gamot kontra sa birus. Ang karaniwang oras mula pagkalantad hanggang paglitaw ng sintomas ay halos limang araw, ngunit maaaring mula sa dalawa hanggang labing-apat na araw. Kinabibilangan ang mga komplikasyon ng pulmonya and acute respiratory distress syndrome (ARDS). Kabilang sa mga karaniwang sintomas ang lagnat, ubo, pagkapagod, pangangapos ng hininga, at pagkawala ng pangamoy. Pinakanakahahawa ito sa unang ikaltlong araw sa pagkatapos ng paglitaw ng sintomas, ngunit maaaring makahawa bago lumitaw ang mga sintomas, at mula sa mga taong walang sintomas. Di-ganoong karaniwan, maaaring mahawaan ang isang tao kung hahawakan niya ang isang kontiminadong bagay at pagkatapos nito ay hahawakan niya ang kanyang mukha. Kadalasan, nahuhulog ang mga patak sa sahig o sa mga ibabaw sa halip na lumipad sa hangin sa malalayong distansiya. Karaniwang naipapasa ang sakit sa mga ibang tao sa malapitang pakikitungo, kadalasan sa pamamagitan ng mga maliit na patak kapag umuubo, bumabahing, at nagsasalita.